SA LINGGO

May nag text sa akin ng "Kamusta".
Sa isip ko sabi ko "akala ko patay ka na?"

Text ulit s'ya ng "kita tayo sa Sabado?"
"Hindi muna siguro", ako ulit sa isip ko.

Wala akong load. Kahit siguro meron wala pa rin akong masasabi. Wala akong reply at wala na akong natanggap na mensahe ulit. Sinukuan na n'ya ako. Sumuko na rin ako. Wala na'ng maraming text at matagal na usapan. Pinalitan na 'yon ng mahahabang pag-iisip at malalalim na buntong-hininga.

Wala akong isusuot sa Sabado. Wala akong pambayad sa sine at pagkain. Wala akong oras sa dami ng gawain. Wala akong salamin. Wala na akong ikukwento sa'yo. Hindi mo na nga ata ako kilala. Wala na ang isip ko. Nawala ka gawa ko. Wala na rin yata ako.

Mag-iisip lang ako sandali. Bubuntong-hininga ng kaunti. Aalisin ko lang ang amoy mo sa balat ko pati ang boses mo sa ulo ko. Buburahin ko lang ang mukha mo sa isip ko twing nasasaktan ko. Tatanggalin ko lang ang udyok ng utak kong hawakan ka o yakapin o tingnan t'wing magkikita.

Magkikita ulit tayo. Ihahanda ko lang ang sarili ko. Papraktisin muna ang mga linya.

Hindi muna sa Sabado. Maglo-load na rin ako.

Saglit lang 'to.

____________________________________________________________________
*anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at pawang kathang-isip lang.
*flickr photo by mr. ed

46 ang may sinabi::

chikletz June 25, 2009 9:58 PM  

huwaw... may ganun.. gudlak kung magkikita man kau o ndi. hmmm..

reyjr June 25, 2009 10:42 PM  

sige na. para may catharsis. otherwise you might spend the rest of your life wondering what would have happened.

:D

confrontational kasi ako kaya ganyan advice ko. haha.

aLgene June 25, 2009 11:02 PM  

tama si reyjr. pero mas tama ka rin, makipagkita ka na kung handa ka na. just make sure, you'll not let the person wait for so long baka magsawa na. :)

good luck nalang po..

HARI NG SABLAY June 25, 2009 11:18 PM  

o pre mukhang malalim yan wag kang tatalon.hehe

kaya mo yan pre,goodluck... :)

Lord CM June 25, 2009 11:38 PM  

Bago ka gumawa ng desisyong mas mabuting ihanda mo ang sarili sa lahat ng maaaring mangyari...minsan kasi eto ang babago sa buong buhay mo...

leley June 26, 2009 12:36 AM  

it means sa linggo ang date...nyo?
gudluck!
meh ganun ....
jeje

stupidient June 26, 2009 1:13 AM  

kay CHIKLETZ:
may ganun nga! salamat, kaso baka hindi na rin

kay REYJR:
salamat, pero di muna ngayon. ta-timing lang ng konti.

kay ALGENE:
saglit lang naman. hindi kaya ako lang ang nagsasawa? bahala na si algene ste batman pala..

kay HARI NG SABLAY:
nalulula na nga ako.

uwaaaaaaaakkkkk.,.,

kay LORD CM:
salamat lord, tatandaan ko lagi yan,, wag padalos-dalos

salamat sa koment ser.

kay LELEY:
hindi rin ata. saka na siguro.

mehganon talaga?

DETH June 26, 2009 1:38 AM  

may mga bagay na mahirap talagang harapin...ilang beses ko rin sinubukang harapin, pero di pa kaya ng puso ko...kaya ayun nagpakalayo layo muna ako...hehehe

wag mo ipilit bro kung talagang sa tingin mo e hindi mo pa kayang harapin ang mga bagay-bagay...may tamang panahon para sa lahat. pero may mga pagkakataon din na dapat matuto tayong harapin ang mga yun...olrayt. (may sense ba yung sinabi ko?)

Niqabi June 26, 2009 1:51 AM  

pano kung di ka nagpunta?
then after 48 yrs ready ka ng harapin siya?
E kaso sumuko na siya?

aw! tanong ko nga ba sayo yun o para sa akin?.. hehehe ah basta wag ka tatalon jan mukhang malalim chaka maalon oh :P

.pOot! June 26, 2009 3:30 AM  

ouch.

saul krisna June 26, 2009 4:07 AM  

anak ng jueteng picture mo ba yun? wag kang tatalon!!!! kuha ka muna ng insurance!!! hahahaha lalim ng post mo parekoy... di ko ma arok(maintindihan yun)

carrie June 26, 2009 4:17 AM  

una, tinatamad ako magpost sa blog ko kuya deck. tamad.. ;( walang oras, walang inspirasyon para makasulat ulit..susulat ako pag meron nang magandang pwedeng ibahagi sa iba..ung tipong alam mong may kwenta at may epekto sa buhay ng ibang tao..hehe..sa ngayon, pahinga until the time na ready na.

pangalawa, sa post mo...ikaw lang ang may alam kung kelan ang tamang panahon or kung worthy pa ba ng oras mo ang gagawin mo..sigh ;( kaya mo yan..tsaka smile lang kuya..andito pa din kami kahit di tayo nagkikita..(tanung mo pa kay chrisseth,hehe)

kox June 26, 2009 4:28 AM  

simpleng drama ah! hahaha.. pakipot si stupi! hahaha.. gudlak n lng sau!

Lord CM June 26, 2009 5:33 AM  

Toinks!!!Sir ka jan? lolzzz, Lord na lang, Ay!!!LordCM pala hehehe

Jepoy June 26, 2009 6:34 AM  

Question lang, Pano kung nabasa nya ang blog mo?!

And here's what I have to say...

Wag kang mag inarte ng mga ganyan alam ba nya nararamdaman mo?! Kung hindi sabihin mo na kung alam nya naman at deadma lang sya isipin lahat ng bad experiences mo sa kanya tapos pag mag kasama kayo steady kalang pero dapat normal ka parin pag sya naman na fall sayo gantihan mo ahahahha (May ma comment lang)

cheezy June 26, 2009 8:40 AM  

aww.
mag isip isip ka muna. :)

wala na kong masabi, sinabi na nila. hehehe.

:)

PABLONG PABLING June 26, 2009 12:59 PM  

MAY LAB LAYP!

kheed June 26, 2009 11:20 PM  

adik diba? ayoko ng ganyan pakiramdam..

ako din ilang beses ko ng sinabi na titigilan ko na ang kabaliwan ko sa kanya pero bakit pabalik balik pa din..

ikaw, sana magtagumpay ka sa kagustuhan mong malimutan sya.. good luck!

J.D. Lim June 28, 2009 2:53 AM  

Tsk. Iba talaga pag usapang puso na. Masyadong komplikado.

JETTRO June 28, 2009 4:23 PM  

parekoy parang may ka date ah
pagbutihin mo ha

hayyy pag ibig nga nman

stupidient June 28, 2009 6:46 PM  

kay DETH:
salamat, minsan may takdang panahon ang lahat, baka pag pinilit lalo lang pumangit ang resulta

kay NIQABI:
oo nga noh? teka baka ako ang sumuko. ano sa tingin mo?

tanong mo nga ata sa sarili mo yan, hehe

kay POOT:
ouch pala ha,

kay SAUL KRISNA:
malalim nga yan, naku magkano ba insurance ngayon? may mabebenta ka ba?

kay KOX:
nyahaha, salamat. di naman drama masyado yan, tsaka di naman pakipot. makikipagbreak nga ata,,

stupidient June 28, 2009 6:55 PM  

kay LORDCM:
sige sige LordCM na lang, salamat ho!

kay JEPOY:
salamat,, naku umiinarte ba? haha, naku mahirap pag binabalikan ka tapos ayaw mo na, eh namimiss mo pa. hehe, parang ganun.

pag nabasa nya eh mas ayus. para di na magpaliwanag

kay CHEEZY:
sige sige nag-iisip na, bago tumalon. salamat sa pagbasa.

kay PAPS:
yey! malapt na mawala. hehe

kay KHEED:
adik nga, sabi nga ni paps may lablayp ka din ba? salamat.

kay JD:
medyo lang. kaso mahirap nga. kaya di na masyado pinapansin. Thesis ko muna aasikasuhin

kay JETTRO:
walang date, hehe. medyo ayaw ko muna xa makita

Anonymous June 28, 2009 10:46 PM  

andito pa kaya ako .
kainis kasi meron na akong pasok .
di ako basta2 makagamit ng comp .
add mo nlng ako sa Facebook :)
http://www.facebook.com/angel29
parati ako ON dun kapag weekends :)

- underneath the stars

paulo June 28, 2009 11:35 PM  

reasons! ha ha ha :P

the DRAMA QUEEN June 30, 2009 12:30 AM  

ehem..
akalain mo

abe mulong caracas June 30, 2009 11:09 AM  

late ko na ito nabasa...pero ang ganda naman ng pagkakasulat nito.

parang punong puno pero ang gaan gaan lang!

Summer June 30, 2009 6:46 PM  

Hehe.. Galing nman, mag-iisip kapa pala.. Pero mas ok yun kesa nman kumilos ng walang pagpapasya. baka pagdating ng araw magsisi ka..Good luck fren.=d

A Writers Den
The Brown Mestizo

Yas June 30, 2009 7:38 PM  

mushy. haha!

pero siryoso, pumunta ka at harapin sya. tama si reyjr, we do not want you to suffer in the future from dwelling on could have beens. :D

ingat. mapagpalaya.

stupidient July 1, 2009 7:22 PM  

kay UNDERNEATH THE STARS:
kala ko naman nawala kana. di naman ako nagp-facebook. daan daan na lang ako sa blog mo

kay PAULO:
reasons pala ha??? mahirap lang talaga

kay DRAMA QUEEN:
ahem din. ahem, ahem. hi!

kay ABE MULONG CARACAS:
salamat sa mga papuring ito,, naku nakakalaki ng ulo. hehe. tagay!

kay SUMMER:
mag-iisip. mahirap tanggihan. salamat..

kay YAS:
mushy pala. hehe, konti lang.

"i try"._macy gray

salamat sa inyong lahat

Rcyan M. July 1, 2009 8:23 PM  

Wow, emo po kayo ngayon, G. Stupidient. Hmmm... Sino kaya 'yung girl?

missGuided July 2, 2009 7:34 AM  

goodluck sayo! do whats best 4 u :)

elYAS July 6, 2009 4:25 PM  

REPLY REPLY

@stupidient: haha. baka naman signs ang pag-ulan? kelangan mong sumilong... at ang sisilungan mo, kelangan mong hanapin. :D

kung balak mong magpari o magseminarista man lang, ituloy mo. hahanap ng paraan si Mokong para sayo..kung yun talaga ang byahe ng buhay mo. apir!

Qoutes July 7, 2009 8:22 PM  

Hi! I’m new with your blog, nice site! Can we exchange link? I have added your link on my blog. Thank you.

batang narS July 8, 2009 5:25 AM  

WOW.gudlak stupe:D.kaya mo yan!

Basyon July 9, 2009 1:15 AM  

Eeeee... Kilig nman nun. Anoh na kaya nangyari?! Kaintriga ito..hahaha

Next post pls.;D

gege July 15, 2009 8:25 AM  

haha!nakakarelate ako. WALANG LOAD. BUNTONG HININGA. WALANG MASABI.and yet on that day... parang unti unti kang nadudurog kasi WHAT IF... nagkita kayo. haha! naniniwala ako na kapag ang isang bagay pinagdcxunan mo ng buo ang loob mo... hindi mo magagawang pagcchan. watever circumstances it may bring... sa di mo pagreply dahil di ka nageffort magload. gogogo lang! e ganun talaga ee. keber! :)) nga pala!!! anu na nagyari???! go! sharing!!!! :))

choknat July 28, 2009 9:37 AM  

wow. pakiramdam ko nakakarelate ako ng sobra.

anu ng nangyari?

choknat July 28, 2009 9:39 AM  

natawa ko, superlate ng isip ko.

kala ko june 29 pa lang, july na pala. haha

patola August 3, 2009 5:21 AM  

ahahahahaha... ang gaganda ng post mo poh... hihihi.. magccomment sana ako sa pagkikita niyo.. kaso august na pla... T_T

OHMYGUMS August 11, 2009 8:54 AM  

Damang dama ko 'to...

reyjr August 13, 2009 1:27 AM  

Nasan ka na? Anu nangyari sayo?

astra August 16, 2009 5:33 PM  

Sabi mo saglit lang. Tagal na ah.

A-Z-E-L August 17, 2009 10:16 PM  

san ka na? may awards ang kablogs sayo...

pakikuha na lang po sa page ni Lord CM... and congrats!

Marlon August 22, 2009 5:13 PM  

Padaan para bumati ng isang matinding congratulations sa iyong ka-blogs award. at nagkataon naman na sakto ang iyong sinulat dahil ganyan din ang aking nararamdaman, someways hindi maganda na-imbento ang text dahil sa mga "moments" tulad niyan na wala ka ng masabi, ayaw mo na magsalita.

Good weekends dito

Nenem September 18, 2009 3:57 AM  

tinamaan ako. haha.

謝明博馬陰人放購ˇ屁ㄉ人不董識貨ㄉ人精打細算ㄉ人霖宏百里緒恩駛溟含凾信攔醬油邱科信彰柏宏與簽纏t06單耳耽溺娟謝政道QKPb戲曲學院部大汐布袋戲model mode台北不婚獨子女 臺獨 September 23, 2009 3:26 AM  

悉怛多缽怛囉阿們 窮盡相關消去無關 證據時效
hubpages.com/profile/Marye+Audet/map



----------------------------------------------------
眾生升墜總原理:「內分外分」與上升下墜
內分(貪愛分內),屬情故下墜
外分(渴仰分內),屬想故上升
臨終善惡相現
升墜之類別:
飛升之類─淨土、天道、鬼神(想多之眾生)
不升不墜─人道(情想參半之眾生)
下墜之類─三塗(情多想少之眾生)
結論別業中有同業

十因在各道之餘習
十習因 鬼道 畜生道 人道
貪習(貪物) 物怪(依草附木)   梟類(土梟) 頑類(愚呆)
媱習(貪色) 風魃(旱魃不雨)   咎徵(烏鴉...凶兆) 異類(妖怪)
誑習(貪惑) 畜昧(狐獸精靈)   狐類(狐狸......) 庸類(卑鄙)
瞋習(貪恨) 蠱毒(毒虫惡蟲)   毒類(虺蛇......) 狠類(剛暴)
怨習(貪憶) 疫癘(散行瘟疫)   蛔類(蟯蛔) 微類(賤僕)
慢習(貪傲) 氣餓(飢虛之鬼)   食類(虎狼......) 柔類(懦弱)
枉習(貪罔) 憂魘(厭人心胸)   服類(衣服二類) 勞類(勞苦)
見習(貪明) 魍魎(山精之鬼)   應類(燕鴻......) 文類(小才)
詐習(貪成) 役使(咒術役鬼) 休徵(鳳麟吉類) 明類(小聰)
訟習(貪黨) 傳送(遞傳吉凶)   循類(鴿犬......) 達類(小知世故)


----------------------------------------------------------------URLhttp://www.blogger.com/profile/10687885027990493634

Blog Widget by LinkWithin

Hindi ito blog.

Blagblagan.

Wala kang matatagpuan ditong ikasisiya ng iyong isip. Walang ikakukumpleto ng iyong araw. Wala kang makikitang hindi pa nasasabi ng iba. Wala din naman akong sinasabi.

Wala. Nagbabasa ka lang.

Utak mo ang maingay!